KARAPATAN NG MGA HAYOP

 Ang mga hayop ay kabilang na natin dito sa ating mundo. Isa sa mga nilalang na ginawa nang diyos. Bawat hayop ay may karapatan, karapatan nilang mabuhay dito sa ating mundo. Kaya mahalin natin sila bigyan natin ng tamang pagtrato at pagpapahalaga. Alam man nating hindi sila marunong magreklamo dahil hindi sila makapasalita piro miron silang damdamin na nasasaktan. Isa man silang hayop miron naman silang na itulong sa atin. Kaya ginawa sila nang diyos dahil miron silang tungkulin gagampanan dito sa mundo.
                    Naitatag ang mga batas na nangangalaga sa kapakanan nang mga hayop tulad nang Republic Act No. 8485 Animal Welfare Act, Section 6 ng batas na ipinagbabawal ang pagmamalupit sa mga hayop at ang Republic Act No. 10631 noong 2013 pirmado ni Pangulong Benigno S. Aquino 111. Ilan sa mga amyenda o pagbabago itinakda ng RA 10631 ay ang mataas na piyansa o parusa kapag napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ng RA 10631 ang multa sa paglabag sa batas, mula sa dating Php 1,000 hangang Php 5,000 ginawa itong Php 50,000,00 hangang Php 100,000,00. Hindi pweding pumatay nang hayop maliban sa mga hayop na kinakain tulad nang manok, baboy, baka, kambing, kalabaw at kabayo.

                   Piro sa panahon ngayon sa kabila nang mga mabibigat na parusang ito hindi parin tumitigil ang ibang taong gumawa nang kalupitan sa mga hayop. Ang mga aso ang mas nakaranas nang kalupitan  sa mga tao kinakatay nila ito para kainin o para pagkakakitaan tulad nang pagbebenta nang mga karne nito. Kahit itinuring ang mga aso na "man's bestfriend" nakuha parin nilang pagsamantalahan ang maamo nitong mukha.
                         Ang aso ay tinuring natin na man's bestfriend . Ang hayop na pwedi mong pagkatiwalaan sa lahat nang uras, kaya kang mahalin sa lahat nang panahun na higit pa sa pagmamahal sa kanyang sarili. Hindi man natin sila makakasama sila habang panahon dahil lahat nang bagay ay lumilipas, piro sana hindi natin ipagkait na maranasan nila ang pagmamahal at pag-aaroga, hindi bilang isang alaga kon di bilang isang kasapi sa pamilya. Dito natin maipakita ang pagpahalaga at pagsunod sa tungkulin bilang tao. Tayoy mamuhay nang pantay dito sa mundo tao o hayop kaman.










REFERENCE
GMA NEW

Comments